Skip to main content

Prophecy of Virgin Birth



Ang Dating Biblia (1905) Isaias 42:1-7 Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa. Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan. Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan. Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan. Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito: Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay kita na pinakatipan sa bayan, na pinakaliwanag sa mga bansa; Upang magdilat ng mga bulag na mata, upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Ang Dating Biblia (1905) Isaias 35:3-6 Inyong palakasin ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod. Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; Siya'y paririto at ililigtas kayo. Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata ng bulag, at ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan. Kung magkagayo'y lulukso ang pilay na parang usa, at ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal ang tubig, at magkakailog sa ilang.

Ang Biblia (1905) Isaias 7:14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.

Ang Dating Biblia (1905) Isaias 9:6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo Ng Kapayapaan.

(1905) Mikas 5:2 Nguni't ikaw, Bethlehem Ephrata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel;na Ang pinagbuhatan Niya ay Mula nang una,Mula nang walang hanggan.

Ang Dating Biblia (1905) Mateo 1:21-23 At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya Ang Kaniyang bayan sa kasalanan. At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.(God with us)


Ang Dating Biblia (1905) Lucas 1:26-35 Nang ikaanim na buwan nga'y sinugo ng Dios ang anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea, ngala'y Nazaret, Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga. At pumasok siya sa kinaroroonan niya, at sinabi, Magalak ka, ikaw na totoong pinakamamahal, ang Panginoon ay sumasa iyo. Datapuwa't siya'y totoong nagulumihanan sa sabing ito, at iniisip sa kaniyang sarili kung anong bati kaya ito. At sinabi sa kaniya ng anghel, Huwag kang matakot, Maria: sapagka't nakasumpong ka ng biyaya sa Dios. At narito, maglilihi ka sa iyong tiyan, at manganganak ka ng isang lalake, at tatawagin mo ang kaniyang pangalang JESUS. Siya'y magiging dakila, at tatawaging Anak Ng Kataastaasan:at sa kaniya'y ibibigay ng Panginoong Dios ang luklukan ni David na kaniyang ama: At siya'y maghahari sa angkan ni Jacob magpakailan man; at hindi magkakawakas ang kaniyang kaharian. At sinabi ni Maria sa anghel, Paanong mangyayari ito, sa ako'y hindi nakakakilala ng lalake? At sumagot ang anghel, at sinabi sa kaniya, Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataastaasan: kaya Naman ang banal na bagay na ipapanganak ay tatawaging Anak Ng Dios.

Ang Dating Biblia (1905) Galacia 4:4 Datapuwa't nang dumating Ang kapanahunan ay sinugo Ng Dios Ang Kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan,


Ang Dating Biblia (1905) 2 Corinto 5:19 Sa makatuwid baga'y,na Ang Dios kay Cristo ay pinakipagkasundo ang sanglibutan sa kaniya rin, na hindi ibinibilang sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at ipinagkatiwala sa amin ang salita ng pagkakasundo.


Ang Dating Biblia (1905) Mga Hebreo 1:1-8 Ang Dios,na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa ibat ibang paraan sa pamamagitan Ng mga PROPETA,Ay magsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan,Ng Kaniyang Anak,na siyang itinalaga na TAGAPAGMANA ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; Palibhasa'y siyang sinag Ng kaniyang KALUWALHATIAN, at tunay na larawan ng Kaniyang pagkaDios , at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan; Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y nagmana Ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila. Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man, Ikaw ay aking Anak, Ikaw ay aking ipinanganak ngayon? at muli, Ako'y magiging kaniyang Ama, At siya'y magiging aking Anak? At muli nang dinadala Niya ang panganay sa sangkalupaan, ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios. At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy: Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan,Oh Dios ay magpakailanman; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.


Ang Dating Biblia (1905) Colosas 1:15-19 Na siya ang larawan Ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang; Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya; At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng Sapagka't minagaling Ng Ama na Ang buong kapuspusan ay manahan sa Kaniya; 



Ang Dating Biblia (1905) Colosas 2:9 Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman.

Comments

Popular posts from this blog

GOD IS THE LIGHT, THE FATHER OF LIGHTS

1 John 1:5 “This then is the message which we have heard of him, and declare unto you, that God is light , and in him is no darkness at all.” John 5:35 “ He was a burning and a shining light: and ye were willing for a season to rejoice in his light.” John 1:7-10 “The same came for a witness, to bear witness of the Light , that all menthrough him might believe.” “He was not that Light, but was sent to bear witness of that Light .” “That was the true Light , which lighteth every man that cometh into the world.” “He (GOD) was in the world, and the world was made by him, and the world knew him not.” John 8:12 “Then spake Jesus again unto them, saying, I am the light of the world : he that followeth me shall not walk in darkness, but shall have the light of life.” John 1:5 “ And the light shineth in darkness; and the darkness comprehended it not .” John 3:19-21 “And this is the condemnation, that light is come into the world, and men loved darkness rather than light, because their deeds w...

The Name of God

AFFIRMATIVE: Contructive Argument/ Tindig ng Pagsangayon  ----- DEBATE CHALLENGE Theme: Jesus is the Name of the Father, Son and Holy Spirit. - Affirmative: Rolly Mina- One God Believer. - Negative:  ---------- John 8:32- And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.  —- At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. —- 2 Timothy 3:16 All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness:  —- Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: —— Isaiah 9:6 was fulfilled in Matt. 1:21.  Jesus is the Name of the Son.  The Name Jesus is called the Counselor, Mighty God, and the everlasting Father in Isa.9:6. Counselor is the same with Comforter, Holy Ghost and Holy Spirit in John 14:26 - “But the Counselor, the Holy Spirit, who...

God's Command About Idols

Ang Dating Biblia (1905) Exodo 20:2-5 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon Ng ibang dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang   inanyuan  o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran  sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan  ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo   at ikaapat  na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; Ang Dating Biblia (1905) Awit 115:3-8 Nguni't ang aming Dios  ay nasa mga langit:  kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila'y may mga bibig , nguni't sila'y hindi    nangagsasalita  mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakikita ; ...