Preparation para sa Debate!
Meron bang kakayahan Ang tao na BUMILI Ng KALULUWA? Sagot ay WALA
Sino ang may kakayahan bumili? Sagot ay Ang Dios,Ang Panginoong Jesus Cristo
At ano Ang ipinangbili, Pera ba? Ang Dugo Ng Panginoong Jesus Cristo!
Ang Dating Biblia (1905) Mga Gawa 20:28 Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na BINILI NIYA NG KANIYANG SARILING DUGO.
2 Pedro 2:1 Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na BUMILI sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.
Iniutos ba sa mga kristiyano Ang pagbili Ng kaluluwa? Ang sagot ay HINDI!
Dahil Ang utos ay IPANGARAL ANG IVANGELIO sa buong Mundo!
Ang Dating Biblia (1905) Marcos 16:15-16 At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong IPANGARAL ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
Ang Dating Biblia (1905) Lucas 9:2 At sila'y sinugo niya upang IPANGARAL ANG KAHARIAN NG DIOS, at MAGPAGALING ng mga may sakit.
Ang Dating Biblia (1905) 1 Juan 3:11 Sapagka't ito ang pasabing inyong narinig buhat ng pasimula, na MANGAGIBIGAN tayo sa isa't isa:
Ang Dating Biblia (1905) Judas 1:20 Nguni't kayo, mga minamahal, papagtibayin ninyo ang inyong sarili sa inyong lubhang banal na pananampalataya, na MANALANGIN sa Espiritu Santo,
Ang Dating Biblia (1905) 2 Corinto 9:7 MAGBIGAY ang bawa't isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.
Ang Dating Biblia (1905) Judas 1:23 At ang iba'y inyong ILIGTAS, na AGAWIN ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.
Ang Dating Biblia (1905) 1 Timoteo 2:1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na MANAING, MANALANGIN, MAMAGITAN, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;
Ang Dating Biblia (1905) 2 Timoteo 4:2-5 Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, SUMAWAY KA, MANGARAL KA na may buong pagpapahinuhod at pagtuturo. Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. Nguni't ikaw ay MAGPIGIL sa lahat ng mga bagay, MAGTIIS ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, GANAPIN mo ang iyong ministerio.
Comments
Post a Comment