Ang Dating Biblia (1905) Malakias 3:1 Narito, aking sinusugo ang aking SUGO, at siya'y maghahanda, ng daan sa harap ko: at ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang paroroon sa kaniyang templo; at ang sugo ng tipan na inyong kinaliligayahan, narito, siya'y dumarating, sabi ng PANGINOON ng mga HUKBO.
Ang Dating Biblia (1905) Malakias 4:5-6 Narito, AKING susuguin sa inyo si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan Ng Panginoon. At kaniyang papagbabaliking-loob ang puso ng mga ama sa mga anak, at ang puso ng mga anak sa kanilang mga magulang; baka ako'y dumating at saktan ko ang lupa ng sumpa.
Ang Dating Biblia (1905) Lucas 1:17 At SIYA'Y LALAKAD SA UNAHAN NG KANIYANG MUKHA NA MAY ESPIRITU AT KAPANGYARIHAN NI ELIAS, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda.
Ang Dating Biblia (1905) Marcos 9:12-13 At sinabi niya sa kanila, Katotohanang si Elias ay pariritong mauna, at isasauli sa dati ang lahat Ng mga bagay: At paanong nasusulat ang tungkol sa Anak ng tao,na siya'y maghihirap ng maraming bagay at pawalang halaga? Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, NAPARITO NA SI ELIAS, AT GINAWA DIN NAMAN NILA SA KANIYA ANG ANOMANG KANILANG INIBIG, AYON SA NASUSULAT TUNGKOL SA KANIYA.
Ang Dating Biblia (1905) Mateo 11:12-14 At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sapagka't ang lahat ng mga propeta at ang kautusan hanggang kay Juan ay nagsipanghula. AT KUNG IBIG NINYONG TANGGAPIN, AY SIYA'Y SI ELIAS NA PARIRITO.
Ang Dating Biblia (1905) Isaias 40:3-5 Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag: At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon,
(1905) Juan 1:19-23 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga? At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo. At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi. Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako Ang TINIG Ng Isang humihiyaw sa ilang,Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias
Ang Dating Biblia (1905) Mateo 3:3 Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.
Ang Dating Biblia (1905) Marcos 1:2-4 Ayon sa pagkasulat kay Isaias na propeta, Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha, Na maghahanda ng iyong daan; Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas; Dumating si Juan, na nagbabautismo sa ilang at ipinangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Ang Dating Biblia (1905) Lucas 1:17,76-79 At siya'y lalakad sa unahan ng kaniyang mukha na may espiritu at kapangyarihan ni Elias, upang papagbaliking-loob ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga suwail ay magsilakad sa karunungan ng mga matuwid, upang ipaglaan ang Panginoon ng isang bayang nahahanda. Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang PROPETA NG KATAASTAASAN; Sapagka't magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan; Upang maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan, Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan, Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,Ang pagbubukang liwayway Buhay sa kaitaasanay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.
Ang Dating Biblia (1905) Lucas 3:4-6 Gaya ng nasusulat sa aklat ng salita ng propeta Isaias, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas. Lahat ng libis ay tatambakan, At pababain ang bawa't bundok at burol; At ang liko ay matutuwid, At ang mga daang bakobako ay mangapapatag; At MAKIKITA Ng lahat Ng LAMAN Ang pagliligtas Ng Dios.
Ang Dating Biblia (1905) Juan 1:6-11 Naparito ang isang tao, na sugong mula sa Dios, na ang kaniyang pangalan ay Juan. Ito'y naparitong saksi, upang kaniyang patotohanan ang ilaw, upang sa pamamagitan niya'y magsisampalataya ang lahat. Hindi siya ang ilaw, kundi pumarito upang kaniyang patotohanan ang ilaw. Nagkaroon ng tunay na ILAW, sa makatuwid baga'y ang ILAW na lumiliwanag sa bawa't tao, na pumaparito sa sanglibutan. Siya'y (Dios/ILAW) nasa sanglibutan, at ang sanglibuta'y ginawa sa pamamagitan niya, at hindi siya nakilala ng sanglibutan. Siya'y naparito sa sariling Kaniya, at siya'y hindi tinanggap ng mga sariling Kaniya.(Israel)
Lucas 1:68 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka't kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
Luke 1:68 Blessed be the Lord God of Israel; for he hath visited and redeemed his people.
1 Timothy 1:15 This is a faithful saying, and worthy of all acceptation, that Christ Jesus came into the world to save sinners; of whom I am chief.
1 John 4:2-3 Hereby know ye the Spirit of God: Every spirit confesseth that Jesus Christ is come in the FLESH is of God:
And every spirit that confesseth not that Jesus Christ is come in the flesh is not of God: and this is that spirit of antichrist, whereof ye have heard that it should come; and even now already is it in the world.
Comments
Post a Comment