Skip to main content

The Mystery Entrusted to Paul

Ang Dating Biblia (1905) Efeso 3:2-21 Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo; Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang HIWAGA, gaya ng isinulat ko nang una sa ilang salita. Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa ninyo, ay inyong mapagtatalastas ang  aking pagkakilala sa hiwaga ni  Cristo; Na nang ibang PANAHON ay hindi ipinakilala sa mga anak ng mga tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa kaniyang mga banal na apostol at propeta sa Espiritu; Na ang mga Gentil ay mga tagapagmana, at mga kasangkap ng katawan(Body of Christ), at mga may bahagi sa pangako na kay Cristo Jesus sa pamamagitan ng EVANGELIO, Na dito'y ginawa akong ministro, ayon sa kaloob ng biyayang yaon ng Dios na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng kaniyang kapangyarihan. Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo; At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa HIWAGA na sa lahat ng panahon ay inililihim ng Dios na LUMALANG ng lahat Ng mga bagay ; Upang ngayo'y sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sa sangkalangitan ang kapuspusan ng karunungan ng Dios, Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin: Na sa kaniya'y mayroon tayong lakas ng loob at pagpasok na may pagasa sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa kaniya. Kaya nga ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kapurihan ninyo. Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama, Na sa kaniya'y kumukuha ng pangalan ang bawa't sangbahayan sa langit at sa lupa, Upang sa inyo'y ipagkaloob niya, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Kaniyang Espiritu sa pagkataong loob; Na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng panananampalataya; upang kung kayo'y magugat at magtumibay sa pagibig. Ay lumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at lalim, At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Dios. Ngayon sa makapangyarihang gumawa ng lubhang sagana ng higit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip, ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin, Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya nawa.
Oo

Comments

Popular posts from this blog

GOD IS THE LIGHT, THE FATHER OF LIGHTS

1 John 1:5 “This then is the message which we have heard of him, and declare unto you, that God is light , and in him is no darkness at all.” John 5:35 “ He was a burning and a shining light: and ye were willing for a season to rejoice in his light.” John 1:7-10 “The same came for a witness, to bear witness of the Light , that all menthrough him might believe.” “He was not that Light, but was sent to bear witness of that Light .” “That was the true Light , which lighteth every man that cometh into the world.” “He (GOD) was in the world, and the world was made by him, and the world knew him not.” John 8:12 “Then spake Jesus again unto them, saying, I am the light of the world : he that followeth me shall not walk in darkness, but shall have the light of life.” John 1:5 “ And the light shineth in darkness; and the darkness comprehended it not .” John 3:19-21 “And this is the condemnation, that light is come into the world, and men loved darkness rather than light, because their deeds w...

The Name of God

AFFIRMATIVE: Contructive Argument/ Tindig ng Pagsangayon  ----- DEBATE CHALLENGE Theme: Jesus is the Name of the Father, Son and Holy Spirit. - Affirmative: Rolly Mina- One God Believer. - Negative:  ---------- John 8:32- And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.  —- At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. —- 2 Timothy 3:16 All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness:  —- Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: —— Isaiah 9:6 was fulfilled in Matt. 1:21.  Jesus is the Name of the Son.  The Name Jesus is called the Counselor, Mighty God, and the everlasting Father in Isa.9:6. Counselor is the same with Comforter, Holy Ghost and Holy Spirit in John 14:26 - “But the Counselor, the Holy Spirit, who...

God's Command About Idols

Ang Dating Biblia (1905) Exodo 20:2-5 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon Ng ibang dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang   inanyuan  o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran  sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan  ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo   at ikaapat  na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; Ang Dating Biblia (1905) Awit 115:3-8 Nguni't ang aming Dios  ay nasa mga langit:  kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila'y may mga bibig , nguni't sila'y hindi    nangagsasalita  mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakikita ; ...