Ang Dating Biblia (1905) Pahayag 6:1-17 At nakita ko nang buksan ng Cordero ang isa sa pitong tatak, at narinig ko sa isa sa apat na nilalang na buhay, na nagsalitang gaya ng tunog ng kulog, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay. At nang buksan niya ang ikalawang tatak, ay narinig ko sa ikalawang nilalang na buhay, na sinasabi, Halika. At may lumabas na ibang kabayo, na kabayong mapula: at ang nakasakay dito, ay pinagkaloobang magalis sa lupa ng kapayapaan, at upang mangagpatayan ang isa't isa: at binigyan siya ng isang malaking tabak. At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay. At narinig ko ang gaya ng isang tinig sa gitna ng apat na nilalang na buhay na nagsasabi, Sa isang denario ay isang takal na trigo, at sa isang denario ay tatlong takal na sebada; at huwag mong ipahamak ang langis at ang alak. At nang buksan niya ang ikaapat na tatak, ay narinig ko ang tinig ng ikaapat na nilalang na buhay na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa. At nang buksan niya ang ikalimang tatak, ay nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumasakanila:(Rev.17:6)At sila'y sumigaw ng tinig na malakas, na nagsasabi, Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang aming dugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa? At binigyan ang bawa't isa sa kanila ng isang maputing balabal; at sa kanila'y sinabi, na mangagpahinga pa ng kaunting panahon, hanggang sa maganap ang bilang ng kanilang mga kapuwa alipin at ng kanilang mga kapatid, na mga papatayin namang gaya nila. At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo; At ang mga bituin sa langit ay nangahulog sa lupa, gaya ng puno ng igos na isinasambulat ang kaniyang mga bungang bubot pagka hinahampas ng malakas na hangin.At ang langit ay nahawi na gaya ng isang lulong aklat kung nalulolon; at ang bawa't bundok at pulo ay naaalis sa kanilang kinatatayuan(2Ped3:10 Rev.20:11). At ang mga hari sa lupa, at ang mga prinsipe, at ang mga pangulong kapaitan, at ang mayayaman, at ang mga makapangyarihan, at ang bawat alipin ang bawa't laya, ay nagsipagtago sa mga yungib at sa mga bato sa mga bundok; At sinasabi nila sa mga bundok at sa mga bato, Mahulog kayo sa amin, at kami'y inyong itago sa mukha noong nakaupo sa luklukan, at sa galit ng Cordero: Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?(Rev.1:7 6:15-17
The Holy Bible tells us that there is one true church founded by God, Our Lord Jesus Christ. Matthew 16:18 “And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it.” Deuteronomy 32:3-4 “Because I will publish the name of the LORD: ascribe ye greatness unto our God.” “He is the Rock , his work is perfect: for all his ways are judgment: a God of truth and without iniquity, just and right is he.” 1 Corinthians 10:4 “And did all drink the same spiritual drink: for they drank of that spiritual that followed them: and that Rock was Christ.” Ephesians 2:20 “And are built upon the foundation of the apostles and prophets, Jesus Christ himself being the chief corner stone;” 1 Corinthians 3:11 “For other foundation can no man lay than that is laid, which is Jesus Christ." Acts 2:38 “Then Peter said unto them, Repent, and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the remission of sins,
Comments
Post a Comment