Skip to main content

The Woman of Revelation 17



Ang Dating Biblia (1905) Pahayag 17:1-18 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang hatol sa bantog na PATUTOT na nakaupo sa maraming tubig; Na siyang pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at ang mga nananahan sa lupa ay nalasing sa alak ng kaniyang pakikiapid. At ako'y kaniyang dinalang nasa Espiritu sa isang ilang: at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang hayop na pula, na puno ng mga pangalang pamumusong, na may pitong ulo at may sangpung sungay. At nararamtan ang babae ng kulay-ube at ng pula, at nahihiyasan ng ginto at ng mga mahalagang bato at mga perlas, na sa kaniyang kamay ay may isang sarong ginto na puno ng mga kasuklamsuklam, at ng mga bagay na marurumi ng kaniyang pakikiapid, At sa kaniyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, HIWAGA DAKILANG BABILONIA,INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KASUKLAMSUKLAM SA LUPA. At nakita ko ang babae na lasing sa DUGO Ng mga banal,at sa DUGO Ng mga MARTIR ni Jesus.
 At nang aking makita siya ay nanggilalas ako ng malaking panggigilalas. At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae, at ng hayop na sinasakyan niya, na may pitong ulo at sangpung sungay. At ang hayop na nakita mo ay naging siya, at wala na; at malapit ng umahon sa kalaliman, at patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa ay manggigilalas na ang kanilang pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay mula nang itatag ang sanglibutan, pagkakita nila sa hayop, kung paano naging siya at wala na, at darating. Narito ang pagiisip na may karunungan. Ang pitong ULO ay pitong bundok na kinauupuan Ng babae: At sila'y pitong hari; ang lima ay nanga buwal, ang isa'y narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya ay dapat magtagal na sangdaling panahon. At ang hayop na naging siya, at wala na, ay siya ring ikawalo at siya'y sa pito at siya'y patungo sa kapahamakan. At ang sangpung sungay na iyong Nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop. Ang mga ito ay may isang kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa hayop. Makikipagbaka ang mga ito laban sa Cordero, at sila'y dadaigin ng Cordero, sapagka't siya'y Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga Hari; at ng mga kasama niya, na mga tinawag at mga pili at mga tapat ay nananaig din. At sinabi niya sa akin, Ang tubig na iyong nakita, na kinauupuan ng patutot, ay mga BAYAN, at mga KARAMIHAN, at mga BANSA, at mga WIKA. At ang sangpung sungay na iyong nakita, at ang hayop, ay siyang nangapopoot sa patutot, at siya'y pababayaan at huhubaran, at kakanin ang kaniyang laman, at siya'y lubos na susupukin ng apoy. Sapagka't inilagay ng Dios sa kanilang mga puso na gawin ang kaniyang kaisipan, at mangagkaisa ng kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa hayop, hanggang sa maganap ang mga salita ng Dios. At ang BABAE na iyong nakita ay ang DAKILANG BAYAN, na naghahari sa mga hari sa lupa.

Comments

Popular posts from this blog

GOD IS THE LIGHT, THE FATHER OF LIGHTS

1 John 1:5 “This then is the message which we have heard of him, and declare unto you, that God is light , and in him is no darkness at all.” John 5:35 “ He was a burning and a shining light: and ye were willing for a season to rejoice in his light.” John 1:7-10 “The same came for a witness, to bear witness of the Light , that all menthrough him might believe.” “He was not that Light, but was sent to bear witness of that Light .” “That was the true Light , which lighteth every man that cometh into the world.” “He (GOD) was in the world, and the world was made by him, and the world knew him not.” John 8:12 “Then spake Jesus again unto them, saying, I am the light of the world : he that followeth me shall not walk in darkness, but shall have the light of life.” John 1:5 “ And the light shineth in darkness; and the darkness comprehended it not .” John 3:19-21 “And this is the condemnation, that light is come into the world, and men loved darkness rather than light, because their deeds w...

The Name of God

AFFIRMATIVE: Contructive Argument/ Tindig ng Pagsangayon  ----- DEBATE CHALLENGE Theme: Jesus is the Name of the Father, Son and Holy Spirit. - Affirmative: Rolly Mina- One God Believer. - Negative:  ---------- John 8:32- And ye shall know the truth, and the truth shall make you free.  —- At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo. —- 2 Timothy 3:16 All scripture is given by inspiration of God, and is profitable for doctrine, for reproof, for correction, for instruction in righteousness:  —- Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: —— Isaiah 9:6 was fulfilled in Matt. 1:21.  Jesus is the Name of the Son.  The Name Jesus is called the Counselor, Mighty God, and the everlasting Father in Isa.9:6. Counselor is the same with Comforter, Holy Ghost and Holy Spirit in John 14:26 - “But the Counselor, the Holy Spirit, who...

God's Command About Idols

Ang Dating Biblia (1905) Exodo 20:2-5 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. Huwag kang magkakaroon Ng ibang dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang   inanyuan  o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran  sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan  ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo   at ikaapat  na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; Ang Dating Biblia (1905) Awit 115:3-8 Nguni't ang aming Dios  ay nasa mga langit:  kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin. Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao. Sila'y may mga bibig , nguni't sila'y hindi    nangagsasalita  mga mata'y mayroon sila, nguni't hindi sila nangakikita ; ...